Hindi ako si Lea

Ang sagot ko kay hindi si Tonyo.

“Hindi ako si Lea.”

Hindi ako si Lea
Na susungitan ka sa tuwing magha-hi o mahe-hello ka.

Hindi ako si Lea
Na ipagtatabuyan ka sa tuwing gusto mo akong makasama para makipagkwentuhan.

Hindi ako si Lea
Na hindi tatanggapin at hahayaang mapanis o masira ang mga ibibigay mo.

Hindi ako si Lea
Na tatanggi kung aayain mo akong mamasyal sa kung saan.

Hindi ako si Lea
Dahil ako, nakikita kita.

Nakikita kita kahit sa malayo pa lang.
Nakikita kita kahit pa nakatalikod ka.
Nakikita kita kahit buhok, damit, o amoy mo pa lang
Nakikita kita sa bawat pagkain, inumin, at lugar na nagpapaalala sa’yo.

Pero hindi ka rin naman si Tonyo.
Konti lang ang bigote mo
Corny ang jokes mo
At hindi ka naman lasenggero.

Pero tulad ni Tonyo at Lea
Naging masaya ang maikling pagkakataong meron tayo.

Pero talagang may hangganan lang ang lahat kung kelan akala mo, okay na.

Hindi ako si Lea
Kasi, basta’t masaya ka, magiging masaya pa rin ako, kahit wala na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s