Nasabi ko na ba sa’yong mahal kita?

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Mula nang malaman kong darating ka, hanggang sa lumalaki at lumilikot ka habang nasa akin ka pa. Habang tinitignan ko ang mga damit na susuotin mo paglabas mo.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Habang tinitigan ko ang maliliit mong mata at at maninipis mong mga labi. Habang inaamoy kita, bago man o matapos mong maligo.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Habang naririnig ko ang boses mo kahit walang mabuong salita. Kahit pilit kang tumatayo, hindi mo pa man kayang lumakad.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Habang natutulog ka at saka gigising sa tuwing darating ako ng madaling araw.

Habang yumayakap ka sa aking paanan, wag lang akong umalis ng buong araw.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Nang lumaki ang iyong mata sa magagandang ilaw at palaruang nakita mo sa SM. Nang halos mangiyak ka sa dami ng regalong natanggap mo nung nakaraang birthday mo.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Nung nagthank you ka at nagsabing, “You’re the best mom, ever!” Habang kinakain mo ang french fries na madaming cheese.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Sa bawat pagpupumilit gawin ang mga bagay na gusto ng mag-isa dahil abot mo na ang toothbrush, gusto mong sa boys pumila papasok ng SM, kaya mo nang magbayad ng kinain mo sa mcdo, pero syempre gamit ang pera ko, at nagagawa mo nang magtupi ng tatlong panyo.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Sa bawat turok ng bakuna at luha sa unang gupit ng buhok. Sa bawat bangungot sa gabi at pannggugulat sa akin. Sa bawat ngiping natatanggal na kapalit ay chocolate sa ilalim ng unan.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Sa lahat ng iyong masahe, mula nung libre pa ito hanggang sa simula kang naningil. Mula sa pag-aalaga mo sakin hanggang sa pagsubo sa akin ng pagkaing ayaw mo nang ubusin.

Nasabi ko na ba sa’yong, mahal kita?

Sa bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan, at taon. Nasabi ko na bang mahal kita?

Habang lumalaki ka, sa isip ko’y four years old ka pa rin. Sabi nila, ang bilis ng panahon, pero gusto kong isiping bumabagal ito sa bawat panahong magkasama tayo.

Nasabi ko na bang mahal kita?

Hahagkan kita’t aawitan. Gagawan ng maraming sulat. Kukunan ng maraming video. Sorry ka, millenial ang nanay mo, at dahil dyan, alam ng lahat na may imaginary friend kang si Rabi.

Mahal na mahal kita baby Rab ko. ❤️

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s