Mga salita: Paulit-ulit-ulit-ulit

“Last na po ito, paki bili na po para makauwi na ako. Share your blessings po. Sige na po.”

Ang hirap kapag may mga ganitong spiels ang mga pulubi, mapabata o matanda man. Sa tuwing bumibili tayo sa kanila, sa totoo lang, hindi natin sila tinutulungan. Nasasanay silang mamalimos sa kalsada. Kung sana’y long term ang pagtulong natin sa kanila, sa ganung paraan sila mas magkakaroon ng totoong ginhawa.

Pero syempre, hindi naman talaga natin lahat kaya na bigyan sila ng ikabubuhay, pero hindi ba’t mas indefinite kung saan ba talaga nila gagamitin kung pera ang ibibigay? Kung pagkain yan, kahit kanino pa mapadpad, siguradong tyan ang bagsak.

At isa pa, ang hirap din kasing maniwala sa mga sinasabi nila. Sasabihing nag-aaral sila sa umaga; wala nang magulang; nakatira sa matandang lola na nagtitinda ng sigarilyo sa bayan.┬áMinsan ang kwento pa ay nanggaling silang Mindanao, mga biktima ng kahirapan kaya’t nakipagsapalaran sa Maynila.

Paulit-ulit na spiels na lang yan! Pero yan kasi ang bumebenta sa’tin–mga salita.

Mga salita na kahit walang pruweba, dahil tagos puso, buto, at balunbalunan, paniniwalaan natin.

Pero diba, minsan ang mga salita, kapag paulit-ulit mo nang naririnig, nawawalan na ng saysay, ng kabuluhan, ng sincerity, ng katotohanan? Kahit gaano pa ito katotoo, dahil paulit-ulit na, hindi mo na alam kung kelan talaga totoo at kelan hindi.

Kaya nakakalungkot din. Minsan gusto kong tumulong pero sa tuwing maririnig ko ang spiel nila, sumasagot ang utak ko: “Weh, hindi nga? E baka naman sindikato yan?”

Hindi naman ako mayaman para matulungan sila. Pagkain lang din ang ibinibigay ko, kahit kailan hindi ako nagbigay ng pera.

Pero sa panahon ngayon na ang salita ay parang mabangong bulaklak na kahit sino ay pwedeng magdala at magbigay, na-realize ko na isang salita lang pala ang pwede mong pagkatiwalaan ng buo, kahit pa paulit-ulit ito–salita ng Panginoon.

In John 14:1, sinasabi, “Don’t let your hearts be troubled.┬áTrust in God, and trust also in me.”

Kapag si Lord ang nagsabi, totoo at definite yun; yesterday, today, tomorrow!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s